Lately, narealize ko na ang dami ko pang hindi alam kahit gaano kasipag akong mag-aral. Para bang lahat ng alam ko sa theoreticals at exams ay nag ddisappearing act pag nasa ospital na ko. Parang natutuwa ako sa magic na nangyayari pero naiinis kasi ako ang napapagalitan sa kalokohan ng mga nursing concepts. Leche. Papansin ba?
Siguro compensation na lang ang sipag na nakikita ng mga clinical instructors ko kapag nasa bedside ako. Kasi pag uwi ko sa bahay, hindi ko maiayos ang gusto kong care plan para sa pasyente. Parati akong naghahanap ng susundin at kokopyahan para hindi na mag-isip. Hindi ako tamad. Marami lang kasi talagang gagawin. At pag nag-isip pa ko, nako, mas matagal pa sa meditation ni Siddharta Gautama Buddha under the fig tree. Ewan ko ba. Dapat daw creative sa paggawa ng nursing care plan pero gusto nila naka-base sa NOC-NIC. Para ba hindi kami masyadong barbero? Siguro nga. Hahaha. O baka naman para dumali ang buhay? HAHAHA. Hindi applicable sa akin.
Hindi ko naisip na magiging ganito kahirap ang Nursing para sa akin. Iniisip ko nung on demand ang nurses sa ibang bansa at parang biglang nagsulputan mula sa lupa sa ang mga nursing graduates, na kung kaya nilang makatapos ng apat na taon sa kurso ng nursing, bakit ako hindi? Leche ulit. Hindi ko inisip ang school. Basta na lang akong nag-enroll. Magkaiba pala ng curriculum ang bawat university. Some more sadistic than others.
Bobo? Hindi, tinadhana yan ng Diyos. Kasi kong pinag-isipan ko ang hirap na idadanas ko, malamang nasa petiks na school na lang ako, pabanjing-banjing. Pero hindi, nandito ako, kakauwi lang mula sa 8-hour (supposedly 4-hour) duty ko plus 4 hours na ward class, masakit ang katawan at pagod, pero pinili pa ring mag blog kasi baka takasan din ako ng concepts na nasa isip ko ngayon. I feel profound today for some reason. Haha, must be the fatigue.
Pauwi ako kanina at inisip kong magshift ng kurso. Mas madaling takasan ang hirap na dinaranas mo diba? Pero yun ba talaga ang sagot sa problema? Ayun ba talaga ang problema? At kung walang problema edi hindi natin malalaman ang saya. Kaya sinasabi ko na lang sa sarili ko na malalaman ko rin ang tamis at umami ng graduation pag tapos ng purgartoryong to. Sana naman pagkatapos nun makatungtong na ko sa langit. Pero mukhang hindi pa rin eh. May backlag ang dami ng nurses. By the time grumaduate ako, ma-hhire na yung mga naunang grumaduate sa kin. Kamalasan nga naman oh. So kailan ba matatapos ang problema?
Diyos ko, Kim. Gising na. Hindi matatapos ang paghihirap. Binuo ang mga problema para ihulma ang sarili at kaluluwa upang walang mintis at maging mas perpekto tayo. Parang abs lang yan eh, kung hindi mo pahihirapan sa pag curl-ups at sit-ups at knee-ups(?), eh hindi ito magiging perpektong six-pack.
Ang pinagkaiba lang natin sa abs eh, meron tayong mga kaibigan para padaliin ang buhay. Oo, mahirap ang buhay. Pero hindi ibig sabihin na kailangan nating solohin ang problema. May mga willing naman tumulong, hindi ka lang nagtatanong. Oo, may problema din ang mga kaibigan mo at baka iniisip mo na madadagdagan lang ang problema nila kapag nagshare ka pa pero mag-isip ka. Baka may alam syang paraan na hindi mo pa naiisip o baka naman nagdaan din sya sa parehong problema at alam niya na kung paano solusyonan o baka naman pinagdadaanan pa lang niya at sa wakas nakatagpo na siya ng kasama.
Hindi props ang mga tao sa paligid mo na pampaganda lang ng background para mas maging makulay ang play ng buhay mo. Sila ang extras na akala mo ay walang papel sa buhay mo pero actually hindi mo man alam, eh nakaktulong na pala. At lahat sila may potential na maging co-actors, understudies, or leading man/lady. Kahit ikaw ang bida, kailangan mo ng extras, otherwise walang mangyayari sa monologue mo. Ikaw lang ang nag-iisip. Walang input ng ideas, walang growth.
So bakit ka magsosolo flight kung pwede namang may tumabi sayo at makipagchikahan? Kung pwede namang may makatulong sa mga pinagdadaanan mo? O kahit makinig lang sa mga simpleng bagay na big deal para sayo at kailangan mo talagang ishare?
Oo, sabog ang blogpost na ito. Mula sa mga reklamo kong paghihirap sa school hanggang sa silbe ng mga kaibigan sa buhay natin. Pero kung gagawan mo ng pathophysiology diagram eh diba may point naman? Hindi naman ako completely incoherent and disoriented.
So in Nhor's words, achuchuchu! :)))
No comments:
Post a Comment